ipad recommendations para sa isang iskong mag-iipon

hi!

so plan ko sanang magipon para sa ipad. for context, bs bio po ako. there are times where i wish yung mga computations is digitally ko isusulat para madali nalang gawing pdf tsaka iexport. tapos since merong mga pa-drawing yung course ko, naiisip ko rin na parang mas okay na makapagdrawing sa ipad (namumurder ata ng camscanner yung mga drawings ko hahaha). pero yung biggest reason for buying an ipad for me is gusto ko maging mas organized and to eventually go paperless. nagddigital notes kasi ako in my lectures through notion, pero mahirap if may mga drawings na kailangan ilagay sa notes or computations and formulas na mas madali if isusulat as opposed to typing. kalat yung notes ko between physical and digital, so ayan. plan ko sana iorganize at lagay na lahat-lahat sa ipad.

basically, gusto ko siya gamitin for annotating + highlighting sa readings, taking down notes, doing problem sets, and drawing for my lab classes.

kaso nga, i'm a broke isko na kailagan pa mag-ipon for a few months (up to a year) to buy an ipad. hence, ano po yung magandang model na bilhin na pinaka-swak sa presyo (considering my budget and the things i'll want to do with it)?

tapos, gusto ko po sana gamitin to hanggang mamatay ako (chos) hahaha. pero mag mmed school pa po ako and i want this to last until then. it would be nice if the model would be able to hold for a loooooong long time.

thank you in advance po!

ps: ito yung magiging first apple device ko (if ever). wala po akong alam masyado about sa apple products, especially sa apple pencil na connected sa ipads. if anyone could give some advice about that, i would gladly appreciate it too :))

pps: ayaw ko po sa ipad pro kasi super out of my league sya hahaha chos but not chos

‐------ edit: salamat po sa responses! deciding to go with ipad 9th gen kasi abot kaya at okay naman sa basic acads stuff hahaha. plano ko din kasi mag build ng apple ecosystem eventually, so going for ipad talaga ako. maybe ill update this thread once i get one (?). ayon, best wishes sainyo xx