BLACK PEARL ESTANCIA BUDOL/SCAM/HARASSMENT
BLACK PEARL, ORIGANI, KEDMA, DEAD SEA EME PRODUCTS AND ETC. iisa lang may ari nyan. Sobrang traumatic yung experience ko sa kanila as an introvert na hirap mag no. But I learned my lesson. Hindi na sales talk yung naranasan ko sa kanila kundi harassment dahil dun sa mismong product na nabili ko sa kanila with free facial eme na ikukulong ka lang naman sa loob ng room. Closed door pagtutulungan ka ng agents sa mag avail ng service nila. Papakialaman yung mga personal mong bagay payag ka man o hindi. Hinawakan yung phone ko to check if may eligibility ako mag loan sa ibat ibang digital banks para lang maavail yung service nila. To cut the story, mas inuna ko isecure yung kaligtasan ko. I paid what they asked around 67k for services and 8,400 pesos sa products na peeling cream na sobrang baho ng amoy at caviar serum na nothing special at all. Honestly maluwag sa loob ko yung products pero lahat ng naganap sa free facial daw nila na more likely para akong na interrogate sa loob ng room was a nightmare.
Di ko naisip na may gumagawa nun sa loob mismo ng mall. Nagsearch agad ako online about sa store nila and wala akong mahanap talaga hanggang sa reddit ako napunta at dun ko nakita na halos pare-pareho lang dinanas ko sa kanila.
Inipon ko yung infos. Lahat ng pwedeng bala.
Violations:
(1) FDA website and nothing listed under sa company name nila. FDA approved yung manuf ng products pero yung store hindi. Yung products nila parang kasing presyo lang ng tig below 500 sa shopee na maid in china. Sorry pero sobrang cheap.
(2) They issued SALES INVOICE kahit service yung inavail mo. Meaning wala silang permit or out of scope na nila yung pag ooffer ng service.
(3) Walang kahit anong permit na nakadisplay sa mismong store nila. Required to.
(4) RA 7394
- Deceptive Selling
- Price Tag Law
- Advertising and Sales Promotion
Basahin niyo laman ng mga to pasok na pasok ang violations nila.
(5) Data Privacy Act - ito matindi to pag pinakialam yung mga confidential na mga bagay
Based sa experience ko reach out muna kayo sa sales person na nagbenta sa inyo about refund. Sagot nyan ipapasa ka sa Customer Service at dun malamang di papayag. Kunin mo lang number ng CS nila at yung email nasa online naman. File na kayo sa DTI. Wag patagalin ang pakikipag usap kasi wala kayong mapapala.
After mo magfile sa DTI ipaalam mo sa CSR na nagfile ka at sabihin mong antayin nalang nilang magreach out si DTI.
I swear kahit anong oras pa yan ibibigay yang refund niyo.
Nakipag usap ako pero 3 weeks na since nag agree sila sa refund processing parin. Napagod na ako sa kakafollow up nagfile na ako ng complaint sa DTI at sinabi ko sa CS magharap harap nalang kami kung saan aabot yung case.
Right there and then kahit gabi na nirelease nila yung refund ko in full.
Sobrang nakakastress na lesson learned. Gusto ko sanang ituloy yung case kaso ang dami kong lakad at di ko maasikaso kaya umokay na sa full refund.
Next time na papahiran ako ng cream bigla I won’t be so easy. Rude na kong rude.
Here yung link ng DTI for complaint.