Going 40 (F), single, no kids at all

Problem/goal: Mag 40 na ako this year. Andami kong iniisip, mula sa magulang, yung future life ko, at iba pa. Nagkaroon narin ako ng mild insomia. Ganito ata yung tinatawag nilang mid crisis or existential crisis. Hindi ko alam saan patungo yung life ko. Goal or dream ko nuon mag asawa pag 23-25 nako, pero nung nareach ko na age na yan, nagbago ang goal ko. Ayaw kong ranasin ng magiging 'anak' ko ang hirap ng buhay.

Context: May stable work naman ako pero sakto lang sahod, kumuha narin ng insurances, pati St. Peter pinatos narin dahil hindi nga natin alam baka may biglang mangyari. Nasubukan ko rin magmahal, pero in the end nasaktan lang ako kaya hindi nako nag focus sa lovelife. Ang iniisip ko ngayon ay mga seniors na magulang ko. Hanggang ngayon wala pa akong napatayuang bahay para sa kanila. Ang funny lang dahil inopen up ko kay mama, pero sabi niya mas nag aalala daw sila sakin kasi wala akong partner na makakasam sa buhay. Mga kapatid ko meron na, excep yung isa na nagaaral pa. Pero kaya ko namang i-ready yung sarili ko pagtanda, may mga home for the ages naman na dito sa Pinas.

Previews attempt: Nasubukan kong makipag date uli, babae man or lalaki. Kaso wala talaga, hindi nag click. Pati mga hobbies ko like paintings etc., nangamatay na. 🥹