Hindi na ako sure sa fiancé ko.
Problem/Goal: Ako ba yung gago kung iniisip kong hiwalayan na ang fiancé ko?
Context: I(29) have a fiance(29), 4 yrs na kami and this year nag propose sya sakin. He is a seaman and at the same time breadwinner sa fam nya kasi separeted ang parents nya and walang work ang mama nya tapos may dalawa syang kapatid na pinapaaral. Ako naman ay only child and can say na financially stable kahit papaano.
When he proposed to me, we were on a vacation kaya kaya pag uwi namin , sad lang kasi kahit niisa sa fam members nya ay wala akong narinig na congratulations or even sa comment man lang nung pinublic post namin.
One year later after the engagement, Hindi pa sya bumabalik sampa lage lang sya naka tambay dito sa amin pag andito ako sa bahay or kaya sa kanila or kaya gumala sa friends nya. sabi nya ayaw na daw nya sumakay ng barko since patapos na din naman daw yung pinapaaral nya.
On my side yung mother ko nag rereklamo na kasi nakikita daw nyang walang pangarap ang boyfriend ko. ni walang ipon, walang negosyo,tapos hindi raw marunong maghanap ng sideline. baka pagdating daw ng araw ako pa ang bubuhay sa kanya or sa magiging pamilya namin.
isa ko pang problema. gusto nya muna magka baby bago kasal. matagal na nyang gusto yan, ang sabi ko wala akong magiging problema basta may “show money ka” in short may ipon sya or emergency funds and all. pero WALA.
Attempt: Lagi ko syang inencourage na mag ipon para sa sarili nya para kung hindi sya sumampa may pera sya pang start ng negosyo. or mag ipon sya para incase mabuntis ako may mahuhugot sya sa bulsa. pero lagi nyang sagot para saan na mag iipon sya kung wala syang babay.- saka na sya mag iipon pag may baby na daw kasi yung ang motivation nya.
dun ako napapaisip, wala syang motivation na para sa sarili nya ? o sa aming dalawa lang muna ? paano kung tama ang mama ko na pagdating ng araw ako ang bubuhay sa kanya ? ni wala syang ipon, wala syang napundar kasi lahat ng pera nya pinangpaaral nya sa kapatid nya at yung 50% separate dun sa mama nya. ayokong mag adjust at mamuhay sa gusto nyang paraan