Nahumble ako sa bata sa simbahan kanina
Nagsimba ako ng 8am kanina sa Paranaque. Madami pa naman upuan, pero sa pinakalikod ako nakapwesto at nakatayo. Dala ko kasi ang aso ko. Walang mapagiiwanan sa bahay at 15 yrs old na ang aso ko na kakagaling lang din sa sakit. Since allowed ang pets sa simbahan sa amin, sinasama ko muna aso ko sa ngayon. Pero as a courtesy sa ibang nagsisimba, sa likod na lang ako pumupwesto.
Tapos may isang batang lalaki na nagtitinda ng sampagita na pumasok saglit sa simbahan at naupo sa may hagdan. Napagod na siguro sya kakatayo sa labas. Tapos nung offertory na at may nagiikot na ng basket for donations, lumagpas yung isang usherette sa area namen (magkalapit kami nung bata). Tapos hinabol nung bata yung nagiikot ng basket, dumukot sya sa bulsa, at lahat ng laman ng bulsa nya binigay nya dun. Syempre di ko sure baka mamaya may pera pa sya sa kabilang bulsa. Pero marami rami rin yung barya sa pinagkuhanan nyang bulsa at binigay nya lahat ng laman.
Na-humble ako. Naiyak ng konti. Naalala ko yung ginawa ng bata sa line sa Bible na may isang babae na nagbigay ng natitira nyang barya sa donation ng bukal sa loob. Narealize ko na sa dami ng financial blessings ko din in the past, sana maraming beses din ako na naging mapagbigay ng bukal sa loob gaya nung bata.
After mass, napansin ko yung bata na nakatayo lang sa pinto ng simbahan at di gaya ng iba din na nagtitinda, hindi sya naghahabol ng mga tao or namimilit na magbenta. Bibili sana ako pero ambilis, may mga lumapit na din sa kanya at naubos din paninda nya. Hindi ko na sya napansin after. Pero at least, makakauwi na sya agad at naubos na ang paninda nya.
Ang saya, nakaka-humble at inspire ang linggong ito para sa akin. A great way to start the week right.
EDIT: This church is ROLP sa BF. Sa pinakalikod na pwesto kami nakatayo during mass - likod na walang ibang tao kung di kami ng senior dog ko na malayo sa iba. Papunta sa seats ng simbahan, may hagdan at halos di na makikita ang likurang part ng simbahan dahil mataas ang hagdan.
Allowed sa simbahan ang dogs. Some owners tinatabi nila sa upuan nila. In my case, ngayon ko lang sya sinama sa simbahan (halos 1month din na hindi ako naka-simba dahil sa work) since kakagaling lang sa sakit ng aso ko, kakalabas lang ng pet hospital kasi naconfine. Sinama ko at pinagpray ko din na sana umokey na sya at humaba pa sana ang buhay. Never tumahol ang aso ko kahit saan kahit nung bata pa sya. Trained yan tuta pa lang. Kaya natuwa din yung ilang altar server na nadaanan kami before start ng mass kasi parang laruan lang sya. Nakahiga, tahimik all through out.
Kaya yung area kung saan ko nakita yung bata, kung may idea lang kayo sa itsura ng part ng simbahan na sinasabi ko, walang ibang nakakita kundi ako. Isang pinto lang sa gilid ang bukas (main entrance). Konti usually nagsisimba ng 8am. At nung time na yun, ako at yung bata lang ang nasa likuran ng simbahan. Solo namen yung likurang part. Nakaupo sya sa hagdan tapos ako sa gitnang part nakatayo para kahit papano makita ko ang altar.