Gigil ako sa mga batang kalye na ang lalakas ng loob
Share ko lang yung experience ko at ng jowa ko. Kumakain kami sa isang fishball stall malapit sa university namin. Pareho kaming nursing student so all white kami hangang sa shoes. May 1 hr vacant kaming dalawa kaya pwede sumingit kumain.
As we enjoy our merienda together, may mga bata na nanghihingi ng barya saming dalawa. Sinabi ko na kagad na wala na akong barya kasi nagamit ko na sa fishball. My girlfriend is always kind to these kids kasi may kababata siya na tulad ng mga ganitong kids dati so she reached into her pouch and find some change. Pero wala na rin siyang barya and natitira na lang na pinakamababang bills niya is 100 pesos--which she vocalized sa mga bata.
With nothing to give, nag sorry girlfriend ko and sabi na next time na lang. Sinabi nung isang batang lalaki (pinakamatanda sa mga bata) yung 100 na lang. Ewan ko parang pabiro yung sabi niya so I didn't mind him. Diretso ako sa pag kain. Naguusap silang dalawa ng girlfriend ko (lagi kasing ganyan sa mga batang kalye kaya hindi ako nagpe-pay ng attention kasi alam kong chit-chat lang) tapos out of nowhere, nagalit yung bata tapos tinabig yung cup niya na puno ng sauce.
Napasigaw siya kasi mainit yung sauce ng fishball at punong puno siya sa buong uniform niya. Hangang sa pants. Meron din sa muka at buhok. Nagtakbuhan yung mga bata habang tumatawa yung mga mas maliliit. Nakatingin lang yung mga tao sa nangyari, dali dali ko na lang kinuha yung bimpo ko sa bag at pinunasan yung muka niya at buhok. Naiiyak yung girlfriend ko kasi napakalinis ng intensyon niya palagi sa mga batang ganon. Kahit sinasabi ko na wag ng tulungan kasi probably part ng sindikato yung mga bata, pero bilang kind-hearted at always seeing the good in others yung gf ko, wala siyang pakeilam and always give what she can sa mga batang ito.
Nakakagigil lang kasi there's nothing we can do about these kids. Lokal na pamahalaan ang dapat gumagawa ng plano sa mga batang kalye na ganyan, pero wala tayong aasahan sa dysfunctional na gobyerno lokal man o nasyonal. Up to bottom.
Tamang uwi kami ng gf para magpalit siya para makahabol sa last subject namin.